Sunday, October 12, 2008

Digital nga Naman ang KARMA

***Karma sa TEXT***

Sa tingin ko kasalan ko kung bakit pumasok ang mga kaklase ko kahapon at hindi nila nalaman na hindi na pala sila kikitain ng propesor namin.

Mahabang istorya...pero paumnahin sa mga kaklase ko, wag kayo mag alala.



***Karma sa Recto***

Akala ko ang mga kaibigan ko lang at ako nag mahilig mag-cram, hindi pala. Marami palang tao ang mahilig din mag-cram at nakakinis pala kapag may pinapagawa kang isang bagay at crammer ang gumagawa. Ganito kasi yun....

Pumunta kami ng biyernes ng gabi sa Recto para magpa-bookbind ng thesis namin. Sabi nung manong na nagbubukbind, kaya daw nya gawin yun at mukuha din ng alas singko ng hapon. Dapat nga mas maaga, mga tanghali kaso mahal ang babayaran namin kasi nga daw "rush" yun kapag tanghali kukunin. Kaya ayun, nauwi kami sa alas-singko ng hapon.

So ayun, dumating na ang Sabado, at pagkatapos ng trabaho ko dumeretso kaagad ako sa Recto para kunin na ang bound thesis namin. Nagdilim ang paningin ko nung makita ko na hawak palang nung manong ang thesis namin at dun palang nya gagawin ang pag-bookbind. Walanghiya na yun, crammer din pala sya! Mahigit isang oras din ako naghintay at nang makuha ko yung thesis namin umalis na lang ako at hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya.


1 Comment:

chudelya said...

kaya pla nya ng isang oras eh, sana ginawa na nya kaagad. parang gumawa lang siya ng "rush". baka lahat ng pinoy trained magcram, parang tayo lang.